Abante Tonite Interactive

P13M shabu nasilat sa West African drug syndicate

280

Tinatayang mahigit­ sa P13 milyong halaga­ ng shabu ang nasamsam sa isang African national na hinihinalang miyembro ng West African Drug Syndicate at dalawang Pinoy nitong kasama sa isang buy-bust ope­ration sa Bacoor City, Cavite.

Nakakulong ngayon­ sa Bacoor City Custodial Center ang mga suspek na sina Kingsley Osita Escobi; Robert Benamir at Diomedes Gonzales, pawang taga-Cavite.

Sa ulat ng Bacoor City Police Station (CPS), alas-10:30 kamakalawa ng gabi nang maaresto ang mga suspek sa loob ng 3 M’s Resto sa Coastal Road sakop ng Brgy. Talaba 2, Bacoor City, Cavite.

Nauna dito, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga miyembro ng Police Drug Enforcement Unit at Station Drug Enforcement Team (SDET) sa pamumuno ni Police Maj. Ruben Ballera Jr., hepe ng Intel/SDET, ng Bacoor CPS sa loob ng nasabing resto bar na ikinaaresto ng mga suspek at narekober ang tinatayang 2 kilo ng hinihinalang shabu na may street ­value na P13,600,000. (Gene Adsuara)