Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P140K droga nilambat sa Marikina

0 59

Arestado ang tatlong lalaki matapos malambat sa ikinasang buy-bust operations at makuhanan ng 21 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P142,800, Huwebes ng madaling araw sa Barangay Concepcion Uno, Marikina City.

Batay sa ulat ng Eastern Police District, nakilala ang mga suspek na sina Ronnel Yangga, 30; Glen Torrevillas, 36; at Arjay Gariando, 30. Hinuli ang mga suspek alas-12:00 Huwebes ng madaling-araw sa bahay ni Gariano matapos makatanggap ng tip kaugnay sa pagbebenta nito ng shabu.

Kinumpiska sa mga suspek ang apat na piraso ng small plastic sachet na naglalaman ng shabu, dalawang medium transparent plastic sachet, isang cellphone at P500 buy bust money.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Marikina CPS, Custodial Facility habang hinihintay ang pagdinig sa kasong paglabag sa RA 9165 at dinala naman ang mga nakumpiskang droga sa crime laboratory. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.