Abante Tonite Interactive

P14B, $1M pondo pamana ng dating Cebu mayor

313

Nag-iwan ng halagang P14 bilyong pondo bukod pa sa $1 milyong dolyares si dating Cebu City mayor Tomas Osmeña, ayon sa City Treasurer’s Office.

Nabatid kay Arlene Rentuza, dating city treasurer, ang nasabing pondo ay kinabibilangan ng perang mula sa general fund (P11.5 bilyon), trust fund (P1.4 bilyon), at special education fund (P1.1 bilyon).

Ang general fund ay nanggaling sa P3.5 bilyong paunang bayad mula sa mga kompanya kung saan nakabili ng 45.5 hectares ng kalupaan sa South Road Properties (SRP), ang P3.2 bilyon naman ay mula sa second payment habang ang P143 milyon ay mula sa nalikom na interes.

Ang pera naman sa trust fund ay nagmula sa P20 million peso account para sa proyektong ‘Piso Mo Hospital Ko’ project; P98 milyon mula sa Philippine Amusement and Gaming Corp. account, at P469.56 milyong
Bus Rapid Transit project fund.

“There is money in peso at P14,045,992,647.59. This is unaudited and unreconciled since it’s the accounting office that will come up with the final amount after bank reconciliation. There is also a dollar deposit amounting to $1,059,312.64 from the rental fees of Bigfoot and Piso Mo Hospital Ko,” saad pa ni Rentuza bilang pamana ng dating alkalde bago ito bumaba sa puwesto. (Prince Golez)