Abante Tonite Interactive

P14B ‘pork’ siningit sa DPWH-Villar budget

235

Kinumpirma ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na may P14 bil­yong halaga ng diumano’y pork barrel sa pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ito ang sinabi ni Lacson matapos ang deliberasyon ng Senado sa panukalang 2020 national budget.

“P14 billion DPWH pa lang ito. Ito ang questionable kasi parang duplication,” pahayag ni Lacson sa isang forum sa Senado nitong Huwebes.
Inihalimbawa nito ang dobleng alokasyon para sa Kennon Road na mahigit sa P507 milyon at ang P76 milyon na inilaan din sa katulad ding proyekto.

“Isang glaring exam­ple ang sa Kennon Road may P507 milyon tapos may P76 milyon. So baka ang P76 milyon bahagi ng P507 mil­yon,” sabi ni Lacson.

Ilan pa sa nadoble aniya ang alokasyon ay ang dalawang proyekto ng DPWH sa Batan Island sa Batanes at circumferential road sa Rapu-Rapu sa Bicol.

“Maraming gano’n na ‘di kalakihan pero pag pinag-combine mo aabot ‘yan sa P14-20 bilyon na ito ang puwedeng alisin at i-realign kasi sila mismo nagtataka,” ani Lacson. (Dindo Matining)