Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P14M nilagdaan ni Smith sa Lakers

0 410

Selyado na ang reunion nina JR Smith at LeBron James sa Los Angeles.

Kinumpirma ng agent ni Smith na si Rich Paul kay Adrian Wojnarowski ang balita at No. 21 ang gagamiting jersey ni Smith.

Sa ulat ni Bobby Marks ng ESPN, pumirma si free agent Smith ng $289,803 (P14M) puwera pa ang halos $1.5 million na binabayaran sa kanya ng Cleveland Cavaliers.

Magkakampi dati sina LeBron at Smith sa Cavs. Ang 34-year-old na si Smith ‘yung nakalimot sa Game 1 ng 2018 NBA Finals.

Pangatlo si Smith (40.6%) sa tumitira ng at least 300 3-point attempts sa playoffs noong 2015-18 sa likod nina Steph Curry at Klay Thompson na parehong 41.1%.

Ibig sabihin may pamatay siya sa labas ng arc, bubuka ang depensa para makapag-maniobra paatake sa basket sina James at Anthony Davis. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.