Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P14M shabu nasamsam sa binata

0 248

Umaabot sa halos P14 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang high value target (HVT) drug personality matapos ang buy bust operation ng awtoridad kahapon sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Kinilala ni Philippine National Police (PNP) chief General Guillermo Eleazar ang nadakip na si Mark Gil James Dangarang, 22, binate, taga-Barangay Duljo Fatima ng nabatid na lungsod.

SM food to go Banner Ad

Napag-alaman na nadakip ang suspek alas-9:45 ng umaga nitong Biyernes matapos ang buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng City Intelligence Unit at Special Operations Unit 7, PNP Drug Enforcement Group, Regional Police Drug Enforcement Unit sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 7 sa Sitio Saac II, Barangay Mactan, Lapu-Lapu City.

Nakumpiska kay Dangarang ang aabot sa mahigit 2 kilo ng shabu na tinatayang may street value na P13,824,400 at buy-bust money.

Nakakulong ang suspek sa Lapu-Lapu City Police detention cell habang inihahanda ang kaukulang kaso laban dito. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.