Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P1,500 internet allowance hinirit ng mga titser sa Bayanihan 3

0 165

Naghain ng petisyon ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa Kamara upang isama sa panukalang Bayanihan to Arise As One (Bayanihan 3) ang P1,500 buwanang internet allowance ng mga guro sa pampublikong paaralan.

Ang petisyon ay pirmado ng 17,377 guro at ipinadala kina Speaker Lord Allan Velasco, House Committee on Appropriations chairperson Eric Go Yap, at Marikina Rep. Stella Luz Quimbo, pangunahing may-akda ng panukala.

Ayon sa ACT, ang pagbibigay ng P1,500 allowance sa may 1 milyong guro sa pampublikong paaralan ay magkakahalaga ng P10.5 bilyon. Mayroon umanong P30 bilyong pondo sa Bayanihan 3 na inilaan sa edukasyon.

Magugunitang dahil sa pandemya, naging dagdag-pasanin para sa guro ang internet expenses dahil sa ipinatupad na distance learning kung saan ang pagtuturo ay ginagawa online o sa mga module. (Billy Begas/Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.