Abante Tonite Interactive

P150B ng 2020 budget ire-realign sa pandemic

0 236

Inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na aabot sa may P150 bilyon ang posibleng mare -align ng Kongreso para ilaan sa pagtugon sa COVID-19 at recovery plan.

Nabatid kay Roque na inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Budget Secretary Wendel Avisado na tingnan ang budget ng bawat departamento at alamin kung anong pondo ang maaring gamitin sa pagtugon sa pandemic.

Pinag-aaralan na umano ang budget para sa hihilingin na supplemental budget sa Kongreso.

“Sa ngayon po alam na natin kung magkano mare-realign natin doon sa mga current budgets ng Executive. Ang sabi sa akin mahigit-kumulang mga P150 billion ,”ayon kay Roque.

“Pero kaya nga po pinag-iingatan kung saan gagastusin ang P150 billion, kasi beyond P150 billion kinakailangan na talaga pupunta for a supplemental budget. Pero hindi ka naman pwede magkaroon ng supplemental budget nang wala kang sources of revenue,”dagdag pa ni Roque.

Ipinaliwanag pa ni Roque na mahirap humingi ng supplemental budget dahil sa mababang koleksiyon.

Ito na rin ang dahilan kun kaya pinayagan na ni Pangulong Diterte na mahbukas ang mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) .

“Hindi mabuksan ang POGO kasi marami silang utang sa BIR so wala rin tayong makukuha doon. So napakahirap po ng predicament natin,” ani Roque.

Naniniwala naman si Roque na malalampasan ng mga Pilipino ang pandemic .(Juliet de Loza-Cudia)

Tonite – Wendys Inhouse Ad