Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P150K dinagit ng construction worker

0 246

Kalaboso ang 26-anyos na construction worker nang pagnakawan umano nito ang isang municipal budget officer ng Carranglan, Nueva Ecija noong Sabado ng gabi.

Sa ulat ni P/Cpt. FroilanTolentino nakilala nakilala ang naaresto na si Jerric Cabading Sequig, 26, residente ng Brgy. San Agustin, Carranglan.

Lumitaw sa imbestigasyon na dakong alas-nuebe ng gabi nang matuklasan ng biktimang si Ricardo Caldito Esporna Jr., 41, budget officer ng Carranglan local government, na napagnakawan ang kaniyang rest house sa nasabing barangay.

Puwersahan umanong pinasok ang rest house at nawawala ang metal na lalagyan na naglalaman ng may P150,000.

Sa ginawang imbestigasyon, natunton at naaresto ang kawatan na kaagad sinampahan ng kasong robbery. (Jojo De Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.