Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P15B shabu kinumpiska ng PNP sa pamumuno ni Gamboa

0 181

Mahigit sa P15 bilyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng Philippine National Police (PNP) mula ng pamunuan ito ni General Archie Francisco Gamboa ang ahensya mula Oktubre ng nakaraang taon.

Ayon kay Gamboa ang datos ay mula Oktubre 14, 2019 kung saan pinalitan nito bilang PNP chief officer in charge (OIC) si General Oscar Albayalde at naging permanente noong Enero 20 hanggang sa kasalukuyan.

“Under my watch, the anti-illegal drug operations from October 14, 2019 to August 1, 2020 showed a total of 41,972 conducted operations, 6,2342 arrested drug suspects, and 3,293 surrendered personalities,” pahayag ni Gamboa sa ika-119th Police Service Anniversary na ginanap sa Camp Crame Huwebes ng umaga.

Kabilang sa bilang ang malalaking drug haul ng PNP sa isang warehouse sa Marilao, Bulacan nito llang Hunyo kung saan aabot sa P5 bilyon shabu ang nakumpiska ditto at maikokonsidera na isa sa pinakamalaking nakumpiskang iligal na droga sa isang operasyon.

Base sa pinakahuling datos ng PNP nitong Enero 2020, umaabot na sa 5,600 na mga drug suspek ang napatay habang 228,678 naman ang naaresto sa 157,275 anti-illigal drug operations sa buong bansa mula ng simulant ni Pangulong Duterte ang war on drugs noong 2016.(Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.