Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P15M ecstasy pinalusot sa baby dress

0 311

Buking ng National Bureau of Investigation ang aktibidades ng isang party drugs syndicate na nagpapadala at nagsasagawa ng iligal nilang operasyon sa Quezon City Central Post office.

Dalawa sa grupo ang inaresto ng NBI- International Airport Division kasabay ng pagkakahalukay at pagkakasamsam sa higit sa P15M halaga ng Ecstasy tablets na nakapaloob sa tatlong parsela na idineklara nilang damit pang-baby, bag at sapatos.

Naipuslit sa bansa ng isang Abner Buzeta ang tinatayang 10,000 party drugs mula sa Amsterdam at nakapangalan ang parsela sa isang Glorie Joy Buzeta, taga-Kamias, Quezon City, na sinasabing lider ng grupo. Si Buzeta, ayon na rin sa NBI ay nakakulong ngayon sa isa pa nitong kasong iligal na droga.

“Looks like she is the contact person, because despite her being incarcerated, contraband were still being sent under her name,” saad ng NBI.

SM food to go Banner Ad

Kinuha ang nasabing parsela-droga sa Quezon City Post Office nina Rowena Evangelio, 40 at Michael De Guzman, 36, gamit ang authorization letter at ID ni Buzeta.

Dito na inaresto ang dalawa, ilang metro ang layo mula sa tanggapan ng QC Post ng magkasanib na operatiba ng NBI-IAD at Philippine Drugs Enforcement Agents at nabistong isiniksik ang Ecstasy sa gilid ng kahon ng damit pambata.

“The drugs were hidden in the false walls of the boxes, at a glance you will see that inside the box were all children’s stuff,” pahayag pa ng NBI. (Nancy Carvajal)

Leave A Reply

Your email address will not be published.