Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P160B sa budget pinipiga ng Senado

0 88

Nagpahayag na pagkadismaya ang ilang senador sa pagmarka ng Department of Budget and Management (DBM) bilang “For Later Release” o FLR sa mga hindi pa nagagamit na pondo sa ilalim ng 2020 General Appropriations Act (GAA).

Naniniwala si Senate Minority Leader Franklin Drilon na isang konsiderasyon ang politika sa hindi paglalabas ng FLR budget items na tinatayang nasa P160 bilyon lalo na may 10 buwan na lamang bago ang presidential election sa Mayo 2022.

“The budget items marked `For Later Release’ means that such items can only be released upon the authority of the President, or the DBM Secretary or any other official acting on the authority of the President,” sabi ni Drilon.

“Why are P160 billion in infrastructure and social amelioration programs marked ‘FLR’ and not released, and yet P16.5 billion anti-insurgency funds were immediately released in the first quarter? Clearly, the priorities in the release of the funds are flawed,” diin pa nito.

Ayon naman kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, sayang ang pag-ipit sa pondong ito na oportunidad sana para makabuo ng trabaho at makabuhay sa ekonomiya ng bansa.

SM food to go Banner Ad

“It’s a wasted opportunity to help create jobs and grow the economy. There seems to be no sense of urgency,” ani Recto.

Naniniwala ang dalawang senador na maaaring gamitin ang nasabing pondo para matugunan ang ilang mahahalagang proyekto na kailangan ng budget sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sabi pa ni Drilon, may mga programa ang gobyerno na nakadisenyo para mapalakas ang ekonomiya na hindi pa napapatupad gayong 20 porsiyento ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa ay itinatalaga sa government spending.

Ipinahayag naman ni Senador Sonny Angara, chairperson ng Senate committee on finance, na mabilis namang ipinasa ng Kongreso ang batas para mapalakas ang pagtugon sa pandemya, partikular ang Bayanihan to Recover As One Act o Bayanihan 2 at ang COVID-19 Vaccination Program Act of 2021.

“Sana especially now, kelangan talaga `yan lahat ng mga programang `yan ay may tinatawag na stimulus effect. `Yong intensyon talaga dyan ay gumastos talaga `yong gobyerno, dahil `yong paggastos ng pribadong sector ay bagsak, so `yon `yong tutulong sa ating ekonomiya,” ani Angara. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.