Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P160K paputok winasak sa kampo

0 89

TINATAYANG mahigit sa P160K halaga ng mga ilegal na kumpiskadong paputok ang sinira sa loob ng Camp BGen. Pantaleon Garcia sa Imus City, Cavite.

Pinangunahan ni PCol Marlon Santos, Provincial Director ng Cavite PNP at mga miyembro ng Bureau of Fire Protection ang pagsira sa nakumpiskang mga paputok na isinagawa sa isang police operation ng Bacoor CPS, Imus CPS, Dasmariñas CPS, Trece Martires CPS, Cavite CPS, General Trias City, GMA MPS, Tanza MPS, Kawit MPS, Alfonso MPS, Noveleta MPS, Carmona MPS, Naic MPS, Ternate MPS at CPMFC alas-9:00 Huwebes ng umaga sa naturang Police camp.

Kabilang sa mga sinirang paputok ang Piccolo, luces, Kwitis, Sinturon ni Judas, Five Star, Pop-up, Pla-pla, assorted sizes ng Fountains, Happy Flower, Dancing Dragon, Magic Scourage, Snapper, Spirit Whip, Dragon Thunder, Pili Cracker, Happy Ball, Elf Spray, Pilipao, Crackling Ground, Triangulo, Whistle Bomb, Diablo, Baby Rockets, Batibot, Great Bawang, Watusi, Pistachio, Steel Beauty Fireworks, Roman Candles, Shots Aerial, at Glowing Wire. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.