Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P165B Bayanihan 2 budget pasado sa Senado

0 174

Pinagtibay na ng Senado ang pinag-isang bersyon ng dalawang kapulungan ng Kongreso hinggil sa Bayanihan to Recover as One Act na may pondong P165.5B para mapabilis ang economic recovery ng bansa sa gitna ng giyera kontra COVID-19 pandemic.

Ayon kay Senador Sonny Angara, chairman ng Senate finance committee, P140 bilyon ang inilaan na regular budget habang P25.5 bilyon naman bilang standby fund.

Sa P140 bilyong alokasyon, P3 bilyon ang nakalaan para pambili ng face mask at iba pang personal protective equipment habang P4.5 bilyon para sa pagtatayo ng mga temporary medical isolation at quarantine facility, field hospital at mga dormitory.

Tungkol naman sa P25.5 bilyong standby fund, P10 bilyon nito ay para sa COVID-19 testing, pagbili ng mga gamot at bakuna at ang P15.5275 bilyon ay para sa karagdagang capital ng mga bangko ng gobyerno. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.