Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P165B Bayanihan Law pirmado na ni Duterte

0 54

Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.

Ang nasabing panukalang batas na naglalaman ng P165 bilyong pondo ay bilang pang-ayuda sa mga naapektuhan ng COVID-19.

Kinumpirma ito mismo ni Senador Bong Go.

Matatandaang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kaya natagalan ang Pangulo sa paglagda sa bagong batas dahil inaaral pa ito ng Pangulo.

Kinunsulta pa aniya ng Pangulo ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Leave A Reply

Your email address will not be published.