Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P16K kita sa laundry shop ninenok ng helper

0 157

Pinaaresto ng kanyang amo ang isang laundry man na napatunayan na nang umit ng kitang P16,550 sa pinapasukang laundry shop sa Malate, Maynila kamakalawa.

Mismong sa loob ng MS.C. Laundry Shop na matatagpuan sa no. 2052 Leveriza St. Malate inaresto ng pulisya ang suspek na si Joel Artajo, 26, stay-in na nireklamo ng kanyang amo na si Alonica Alona.

Nadiskubre na nawawala ang nabanggit na halaga nang magsagawa ng audit ang biktima sa pumasok na kita sa kanyang shop mula Hulyo 8 hanggang Agosto 17.

Sanhi nito, kaagad na tumawag sa pulisya ang biktima at ipinadampot ang suspek

Nahaharap ngayon sa kasong qualified theft ang suspek sa Manila Prosecutors Office. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.