Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P170K shabu silat sa 2 lolong bigtime tulak

0 94

Nalambat ng Masambong Police Station-2 ang kinikilalang bigtime na tulak na lolong kabilang sa listahan ng Directorate for Intelligence (DI) drug watch list habang dinampot din ang kasabwat nito sa pagtutulak ng droga matapos ang ikinasang buy-bust operations at makuhanan ng P170,000.00 halaga ng shabu sa naganap na bentahan, kahapon ng madaling araw sa Barangay Damayan, Quezon City.

SM food to go Banner Ad

Sa nakalap na report sa tanggapan ni Quezon City Police District Director, PBrig. Gen. Danilo P Macerin, nakilala ang mga suspek na sina Reynaldo Panganiban, 62, residente ng Barangay Roxas District, kabilang sa DI drug watch list at Hernando Chico, 60-anyos, ng Barangay Damayan.

Inaresto ang mga suspek bandang 2:20 Sabado ng madaling araw nang isagawa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PS 2 Commander PLtCol. Ritchie Claravall ang buy-bust operation sa San Joaquin St., Barangay Damayan matapos ang transaksyon sa bentahan ng shabu. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.