Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P170M puslit na yosi buking

0 223

Kinumpiska ng Bureau of Customs ang apat na 40-food container sa Port of Davao na may illegally imported cigarettes at nagkakahalagang P107.4 milyon na nakapangalan sa Golden Aark Enterprises.

Sa pahayag ng BoC sa Facebook post nito, unang dumating ang dalawang containers sa Davao International Container Terminal nung July 10 at idineklarang naglalaman ng 2,180 na kahon ng brand new tissue paper. Dahil hindi nagsumite ng goods declaration ang consignee, sinuri ng BoC ang container para mabantayan ang anumang misdeclaration.

Sa pag-iinspeksyon, natuklasan ng BoC na ang laman ng container ay 1,205 na kahon ng Astro branded cigarettes at 942 na kahon ng YS filter cigarettes kayat kinumpiska ang mga ito.

Dalawang containers pa ang dumating nung July 12 na idineklarang 1,940 kahon ng brand new tissue. Nang pinadaan sa x-ray nung July 16, nakita ng BoC na sigarilyo ang mga laman nito—942 na kahon ng YS filter cigarettes at 941 na kahon ng Fort branded cigarettes. (Eileen Mencias/Mina Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.