Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P178B sa Bayanihan nakatengga pa

0 280

May pondo pa ang pamahalaan para sa ayuda na kailangang-kailanngan ngayon ng mga tao ngunit tila ipinagdadamot umano ito ng mga economic manager, sabi ng isang research group kahapon.

Ayon sa IBON Foundation, maaaring ilipat o i-realign ang pondo para sa infrastructure o Build, Build, Build at pambayad ng mga interes sa utang at iba pang mga gastusin na hindi nakauunlad at gawin itong ayuda sa mga milyong-milyong nagugutom na Pilipino.

Sabi ng grupo, nasa P178.5 bilyong pondo pa sa Bayanihan 1 at 2 ang hindi pa rin nagagastos hanggang nitong Pebrero 2021 na tinuturing nitong patunay na ayaw umanong gumastos ng pamahalaan para sa emergency relief ng maraming nangangailangan.

“Tens of millions of poor and vulnerable households are in urgent need of more cash aid but economic managers keep insisting that there are no funds for this. This is however belied by how the government still had P178.5 billion in unspent Bayanihan 1 and Bayanihan 2 funds as of February 2021,” sabi ng Ibon.

““The economic managers are still refusing to give more cash aid and only using a supposed lack of funds as an excuse,” dagdag pa ng grupo.

Giit pa ng IBON, kayang-kayang bigyan ng ayuda ang pangangailangan ng mga tao kung gugustuhin lamang ng administrasyon.

Mungkahi nito, maaari namang i-realign ang P1.1 trilyong inilaan para sa infrastructure lalo na sa mga proyektong nagpalit na ang sitwasyon at hindi na kakayaning mapondohan. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.