Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P178M kalsada, tulay wasak kay `Odette’

0 192

Aabot sa P178 milyon ang mga nasirang imprastruktura sa Vizayas at Mindanao dahil sa pananalasa ng bagyong `Odette’, base sa inisyal na pagtataya ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kahapon.

Ayon sa DPWH, ang danyos ay mula sa mga napinsalang kalsada at tulay at hindi pa kasama ang mga gusali at pribadong istraktura.

“We estimate about PHP178.4 million damage of our structures. These are only the roads and bridges, not included (are) the buildings, private structures,” ayon kay DPWH Undersecretary Emerson Benitez sa isang press briefing.

Sabi ni Benitez, hanggang kahapon ng hapon nasa 16 mga pangunahing lansangan ang sarado pa sa trapiko kung saan dalawa sa Central Visayas, isa sa Eastern Visayas, lima sa Northern Mindanao at walo sa Caraga region dahil sa mga nabuwal na puno, pagbaha, landslide, nasirang tulay o vehicular accident.

Tiniyak naman ng DPWH na kumikilos na sila para mabuksan ang mga baradong lansangan maliban sa mga binaha. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.