Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P17M shabu, nasamsam sa magtotropa

0 116

Nasamsam ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang may 2.5 kilo ng shabu na may street value na P17 milyon sa tatlong magtotropa sa buy-bust operation kamakalawa ng gabi sa Paco, Maynila.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Section Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002, ang mga suspek na sina Rudjiefei Bedo, 21; Saida Ayunan, 32; at Bailyn Ayunan, 32, pawang Islam at taga-Paco, Maynila.

Naaresto ang tatlo sa loob ng kanilang bahay alas-6:30 ng gabi sa operasyon sa pangunguna ni PMaj Dionelle Brannon ng MPD DDEU.

Isang poseur buyer ang nakipagtransaksiyon sa mga suspek at nagawang makabili ng shabu na nagkakahalaga ng P300.

Nang maaresto ang tatlo, nakakumpiska rin ng P100K cash bukod sa shabu. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.