Abante Tonite Interactive

P17M suweldo ng ilang opisyal ng AFP ido-donate

361

Aabot sa P17 milyong piso ang malilikom ng Armed Forces of the Philippines (AFP) mula sa sahod ng ilang opisyal na nais na makatulong para malabanan ang kinakahaharap na krisis sa novel coronavirus disease (COVID-19).

Mapupunta sa Office of Civil Defense ang makakalap na pondo mula sa donasyon ng may 140,000 magigiting na sundalo ng sandatahang lakas para pambili ng medical supplies and equipment.

Nabatid na ang bawat miyembro ng AFP mula sa pinakamataas na ranggo hanggang sa pinakamababang ranggo ay nag-ambag ng ilang porsiyento ng kanilang mga sahod mula sa buwan ng Mayo.

Magdo-donate naman ng pitong porsiyento ng kanyang sahod o nasa P10,484 si AFP chief Gen. Felimon Santos Jr. habang ang nasa lowest ranking soldier na may ranggong private, airman o apprentice ay magdo-donate ng P100 ng kanilang sahod.

“With this amount drawn from our individual base pays for a month, we hope to augment scarce government resources,” ayon kay Santos.

Sa pamamagitan umano ng kanilang humble gesture ng AFP solidarity ay makikita ang pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat isa para masugpo ang matinding krisis na kinahaharap ng bansa.

Tonite – Wendys Inhouse Ad