Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P180M para sa mga atleta aprub

0 54

INAASAHANG buo nang matatanggap ng mga pambansang atleta at coach ang kanilang buwanang allowance matapos pirmahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang ‘Bayanihan to Recover as One Act’ o ‘Bayanihan II Act’ na nakalaan ang kabuuang P165 bilyon para sa COVID-19 relief package.

Nakapaloob sa nasabing batas ang pagtatalaga ng kabuuang P180 milyon para sa mga pambansang atleta at coach.

“Thank you President Rodrigo Roa Duterte for signing the Bayanihan to Recover as One Act 2, which will restore the full monthly allowances of our national athletes and coaches. Maraming Salamat po!” post ng Philippine Sports Commission (PSC).

Pinirmahan ni Duterte nitong Biyernes ang batas. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.