Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P183M smuggled yosi winasak

0 290

Sinira ng Bureau of Customs (BOC) sa Zamboanga ang ₱183 milyong halaga ng mga smuggled na sigarilyo.

Ang mahigit na 5,200 master cases ng sigarilyo ay nakumpiska ng BOC sa magkakahiwalay na anti-smuggling operations mula lamang nitong September 2020.

Binasa muna ng tubig ng mga bombero saka winasak ng payloader equipment sa isang sanitary landfill sa Brgy. Salaan ang mga puslit na sigarilyo.

Nabatid na ito ang pangatlong pagkakataon na nagsagawa ng condemnation activity ang BOC Zamboanga.

Una nang sinira noong May 2020 at September 2020 ang mga kumpiskadong pekeng sigarilyo , raw materials at mga counterfeit internal revenue stamps na nagkakahalaga ng ₱254-M at ₱1.5-bilyon. (Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.