Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P18K training fee! 5-star hospital gatasan mga nars

0 133

Pinayuhan ni Labor Secretary Silvestre Bello III na magwelga ang mga nars na sinasamantala umano ng mga five-star hospital, na sa halip paswelduhan ay sila pa diumano ang pinagbabayad para sa training fee.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Bello, ang pagwewelga umano ng mga nars ang magiging paraan para matutunan ng mga ospital ang kanilang halaga. “’Pag wala ka pang experience, hindi ka kinukuha. That is why, karamihan sa naiiwan, ‘yung mga baguhan at saka wala pang experience. That is why ‘yun pa ‘yung nagiging cause for exploitation. Ine-exploit ng mga private hospitals ang mga nurses na sa halip na sila ang swelduhan, sila pa ang nagbabayad ng training fee,” ayon kay Bello sa isang panayam.

“I encourage nurses to go on strike, para ‘di maka-operate itong mga five-star hospitals,” aniya pa. Mula umano P6,000 hanggang P18,000 kada buwan ang halaga na sinisingil ng hindi pinangalanang pribadong ospital sa mga nars. (SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.