Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P18M gastos sa clinical trial ng Avigan – DOH

0 223

Ipinahayag ng Department of Health (DOH) na kanila nang sinimulan ang clinical trial sa Japanese anti-flu drug na Avigan para matiyak ang kung epektibo ito laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Nabatid na may P18 milyon ang inilaang pondo ng gobyerno para sa clinical trial ng naturang gamot na isasagawa sa tatlong medical facility.

Gagamitin umano ito sa 80 hanggang 100 pasyente na papayag makasama sa clinical trial.

Una nang ipinahayag ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nakatanggap na ang Pilipinas ng nasa 199,000 tableta ng Avigan mula sa Japan para simulan na ang clinical trial. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.