Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P18M marijuana nasilat sa Mountain Province

0 40

Mahigit P18 milyon na halaga ng marijuana ang nakumpiska habang tatlo katao ang pinosasan sa Sitio Ampawilen, Poblacion, Sadanga, Mountain Province kamakalawa.

Kinilala ng Sadanga Police Station (SPS) ang mga inarestong suspek na sina Jorge Tomaldong Eyawon, 34-anyos; Dario Di-wean Diway, 23; at Jake Caesar Bulosan Linchangan, 19, lahat residente ng Cudal, Tabuk City, Kalinga.

Sa imbestigasyon ng SPS, bago ang insidente, nakatanggap ng intelligence report ang pulisya na ang mga suspek ay may dalang bricks ng marijuana sa Sitio Ampawilen.

SM food to go Banner Ad

Dito, agad na nagkasa ng operasyon ang mga operatiba ng anti-illegal drug unit at nasabat ang mga suspek.

Nasakote at narekober umano mula sa tatlo ang 148 piraso ng pinatuyong dahon ng marijuana bricks, anim na piraso ng tubular na naglalaman ng mari­juana na tumitimbang ng halos mahigit kumulang 154,000 gramo at nagkakahalaga ng P18,480,000.

Nakapiit na sa SPS ang mga suspek at kasong paglabag sa RA 9165 ang isinampa laban sa kanila. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.