Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P18M pekeng kalakal galing Vietnam hinarang

0 107

Nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Manila (POM) ang P18.3 milyong halaga ng mga hindi deklarado at pekeng mga produkto noong Sept. 24, 2020.

Ang kargamento ay dumating mula sa Vietnam noong September 12, 2020, at naka-consign sa Crimsonguard Trading.

Batay sa paunang ulat, paiba-iba ang nakalagay sa listahan ng mga kalakal ng exporter ng kargamento.

Ang Port Control Office (PCO) sa ilalim ng Intelligence Group ay nakatanggap ng derogatory information na ang nasabing kargamento ay naglalaman ng mga herbal powder at mga pekeng kasuotan.

Sa 100% pisikal na pagsusuri, natuklasan ng Customs Examiner ang pampaputing herbal powder, pekeng damit na Lacoste, mga Van at mga Converse na branded na sapatos at iba’t ibang hindi deklaradong pinatuyong tsaa.

Dahil dito, naglabas ang BoC ng Warrant of Seizure and Detention laban sa buong kargamento dahil sa paglabag sa Section 1400, na may kaugnayan sa Section 1113 na “Property Subject Seizure and Forfeiture” ng CMTA. (Mina Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.