Abante Tonite Interactive

P194K shabu nasabat sa Cavite

287

Tinatayang mahigit sa P194,000 halaga ng shabu ang nasabat at 18 naman ang naaresto sa ginawang magdamagang buy-bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa Cavite.

Sa ulat ng Cavite Police Provincial Police Office (CPPO), nanguna ang lima ang naaresto sa Kawit; apat sa Imus City; habang tatlo naman sa Bacoor City; tig-dalawa sa Kawit at Gen. Trias City at tag-isa sa Tagaytay City at Dasmariñas City.

Ang nasabing operasyon ng pinagsamang puwersa ng Cavite police at PDEA PRO4A ay isinagawa sa loob ng 24-oras kung saan umabot sa P194,700 halaga ng shabu ang nasabat.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga naarestong suspek. (Gene Adsuara)