Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P19B pondo ng NTF-ELCAC ipang-ayuda na lang

0 367

Sa gitna ng mga pagbatikos sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) bunsod ng pagsasagawa ng profiling sa mga organizer at volunteer ng community pantry, nanawagan ang isang kongresista na gamitin na lamang ang P19 bilyong pondo ng ahensiya para sa P10K Ayuda bill.

Sumulat si Assistant Minority Leader at Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas sa House committee on economic affairs para pormal na hilingin na ilipat na lamang ang pondo ng NTF-ELCAC.

SM food to go Banner Ad

Sinabi ni Brosas na ang NTF-ELCAC ay mayroong P16.4 bilyon sa ilalim ng Support to the Barangay Development Program at P3 bilyong operational expenses.

Hiling ni Brosas na maisama ang kanyang panukala sa Bayanihan 3 bill. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.