Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P1B ayuda makarating sana sa mga PUV driver

0 95

Siyam na linggo nang tuloy-tuloy ang pagtaas sa presyo ng gasolina. Non-stop ‘yan, kaya naman umaaray na ang karamihan dahil sadyang pabigat ito sa ating lahat.

Huli akong nagpagasolina noong Sabado, Oct. 23, at P62 pa ang presyo ng kada litro ng unleaded. Palibhasa bihira akong magpa-gasolina dahil bihira naman akong mag-biyahe kaya nagulat ako sa taas ng presyo.
At nitong ngang Martes, muli na namang nagtaas ang presyo ng produktong petrolyo. P1.80 kada litro ng gasolina, P1.50 naman sa diesel at P1.30 sa kerosone. Nakakalula sa laki ng itinaas.

Masakit ito sa ating bulsa, lalo na sa mga average lang ang kinikita. What more pa sa mga drayber ng public utility vehicles (PUVs), mas sila ang naaektuhan ng na pagtaas sa presyo ng krudo.

Biruiin mo nga naman, kakarampot na nga ang kanilang kinikita dahil sa limitado ang kanilang pasahero, heto pa’t lalo silang pinahirapan ng mataas na presyo ng petrolyo. Ano pa nga naman ang kanilang kikitain. Wala na di ba? Buti sana kung tulong mula sa gobyerno.

Nangako naman ang pamahalaan na maglalabas sila ng P1 bilyong bilang financial assistance sa PUV drivers na labis na naalektuhan ng patuloy na apgtaas sa presyo ng produktong petrolyo.

Kung matutuloy itong pag-distribute ng cash grants, mahigit 178,000 recipients ang maikinabang nito. Hindi nga lang natin alam kung gaano kaano kalaki ang ibibigay na “ayuda” sa kanila at hanggang kelan tatagal ito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Magandang balita ito para sa ating mga kababayang PUV drivers. At least, ramdam nil ana tumutulong ang gobyerno sa kanila. Hindi nga lang natin alam kung lahat ay mabibiyaan nito dahil hindi updated ang listahan ng mga benepisaryo nito.

Iyon nga lang, hindi pa malinaw kung anong gagamitign pamamaraan para mabilis na makarating ang ayuda sa mga PUV driver.

Sabi nga ni presidential aspirant Sen. Panfilo Lacson, dapat data-driven ang gagamtin ng gobyerno para sa pagtulong kaya dapat updated talaga ang listahan. Baka kung saan-saan mapunta ang ayuda at hindi makinabang ang mga tunay na PUV drivers.

Nakakaawa naman ang ating mga kakabayang PUV drivers dahil marami sa kanila diyan hindi nakatanggap ng ayuda noon sa Bayanihan 1 at Bayanihan 2, tapos heto na naman at maaring hindi rin makarating sa kanila.

Sa Bayanihan 1, maraming hindi nakatanggap ng cash aid dhail luma ang record ng gobyerno dahil hindi updated ang listahan. Eh kung gagamitin ang lumang listan, konti nga lang makikinabang.

Sa Bayanihan 2 naman, isang porsiyento lang ng P5.58 na ayuda sa PUV drivers ang nakarating. San napunta ang natitira? Iyon ang malaking tanong. Kaya, maawa naman sila sa mga PUV drivers. Please lang.

Leave A Reply

Your email address will not be published.