Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P1B ayuda sa mga tourism worker kasado na

0 235

Nakapaglabas na ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng mahigit P1 bilyon bilang cash assistance para sa nasa 240,000 na mga manggagawa sa sektor ng turismo na apektado ng pandemya.

Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III, nasa 239,713 na aplikasyon mula sa mga manggagawa sa mahigit 10,000 establisimiyento at grupo sa sektor ng turismo ang kanilang inaprubahan.

“As of today, around 239,713 beneficiaries from 10,401 tourism establishments, organizations, and associations are approved for payment, amounting to PHP1.198 billion,” ayon pa kay Bello sa virtual awarding ng ayuda para sa mga manggagawa sa National Capital Region (NCR) Plus.

Nasa mga payment center na aniya ang ayuda na bahagi ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) for the Tourism Section sa ilalim ng Bayanihan 2.(PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.