Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P1B pondo hirit pa ng PSC

0 99

Humihiling ang Philippine Sports Commission (PSC) sa Kongreso ng dagdag na ponding P1.1B para sa 2021badyet sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA).

Klinaro ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez nitong Biyernes, na ang P207M 2021 PSC budget na itinakda ng Department of Budget and Management (DBM) ay para sa management at operational expenses lang ng ahensiya, pamsuweldo at bayarin sa regular employees at maintenance sa sports facilities.

SM food to go Banner Ad

Mahigit kalahati sa P1B additional funds na nais ng PSC ang mapupunta para sa paghahanda at aktuwal na partisipayon ng bansa sa 32nd Summer Olympic Games 2021, 16th Paralympic Games 2021 parehong sa Tokyo, Japan, at 31st Southeast Asian Games 2021 sa Vietnam, ASEAN Games, Beach Games at Asian Indoor and Martial Arts Games.

Hinirit ng opisyal na kailangan ng PSC ng P150M para sa Tokyo Olympic Games at P100P para sa sa pagtatanggol ng mga ‘Pinas sa sa titulo sa SEA Games.

Ang natitirang kalahati ay para naman sa PSC projects pati na rin sa naudlot na renobasyon, construction sa Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila at PhilSports Complex sa Pasig. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.