Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P1B shabu nasabat ng PDEA sa Toyota HiAce

0 112

MAHIGIT P1.6 bilyon na halaga ng hinihinalang droga ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency mula sa dalawang lalaki sa Cavite sa loob ng isang Toyota Hi-Ace van kahapon.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Wilfredo Blanco Jr., 37, at Megan Lemon Pedroro, 38, kapwa taga-Kasiglahan Village, Montalban, Rizal.

Sa report, aabot sa 240 kilograms ng hinihinalang shabu na may estimated street value na P1.656 bilyon ang nakuha sa anti-drug operation ng multi-agency force sa pangunguna ng PDEA kahapon ng hapon.

SM food to go Banner Ad

Nangyari ito sa Brgy. Salitran 2, sa bahagi ng Aguinaldo Highway, Dasmariñas City, Cavite.

Nauna dito ay aabot sa 149 kilograms ng shabu na nagkakalahaga ng mahigit P1 bilyon ang nakumpiska sa anti-drug operation noong October 1, 2021 sa Barangay Molino 3 Bacoor Cavite.

Samantala, isang unmarked na van ang narekober mula sa mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng RA 9165 o anti drug law. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.