Abante Tonite Interactive

P1B Ultra Lotto jackpot mailap pa rin

353

Bigo pa ring mapanalunan ang jackpot prize ng ­UltraLotto 6/58 na binola noong Biyernes nang gabi.

Ayon sa kay Florante Solmerin, deputy spokesman ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), walang mananaya ang nakahagip ng kumbinasyong 28-14-54-50-17-27 na may kabuuang premyong P1,112,647,388.

Huling tinamaan ang jackpot prize ng Ultra Lotto noong Pebrero 2018.

Abante Hiring – IT dep

Ang P1.112 bilyon ang pinakamataas na jackpot prize sa kasaysayan ng lotto.

Noong Hunyo 2010, umabot sa P741 milyon ang tinamaan na jackpot prize ng 6/55 Grand Lotto na tinayaan sa outlet sa Subic Bay Freeport ng isang balikbayan mula sa US.