Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P1K ayuda hindi makabubuhay ng pamilya – Makabayan bloc

0 205

Tinawag ng mga militanteng kongresista ang P1,000 ayudang ibibigay ng pamahalaan na ‘mumo’ o kakapirangot lamang na hindi sapat sa isang linggong pangangailangan ng isang mahirap na pamilyang apektado ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at apat na probinsya.

“Saan makakarating ang P1,000 na ito at maximum daw na P4,000 kada pamilya? Parang napakaliit nito kaugnay doon sa kahilingan ng manggagawa. Mumo ang ibinigay samantalang palala nang palala ang COVID-19,” ayon kay ACT Teachers party-list Rep. France Castro.

Sinabi naman ni Bayan Muna party-list Rep. Eufemia Cullamat na hindi mamamatay ang mga Pilipino sa COVID-19 kundi sa gutom dahil sa kawalan ng sapat na tulong ng pamahalaan.

“Mamamatay sila sa gutom dahil wala ngang tunay na ayuda. Ang bilyon-bilyong inutang ay ‘di mapupunta sa taong-bayan,” ayon kay Cullamat.

Giit naman ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, walang patutunguhan ang P1,000 sa halip muli nitong kinalampag ang Kamara na madaliin na lamang ang pagpapatibay ng inihain nilang panukala na magbibigay ng P10,000 tulong pinansiyal sa mga apektadong pamilya. (Eralyn Prado/Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.