Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P1K ayuda sa mga taga-NCR idadaan sa digital payment

0 80

Posibleng ipatupad ang digital transaction sa mga tatanggap ng tig-P1,000 ayuda sa Metro Manila bilang tulong pinansiyal sa residente na apektado ng enhanced community quarantine sa loob ng 15 araw.

Sinabi ni Secretary to the Cabinet Karlo Nograles na sa ganitong paraan ay maiwasan ang siksikan at pagdagsa ng mga tao dahil iniiwasan ng gobyerno ang posibleng hawaan mula sa peligro ng Delta variant.

“Pagdating sa NCR palagay ko walang problema sa digital payment o paggamit ng digital way of transacting. Mas madali rin kasi to verify kung na-receive `yong recipient, mas madaling mag-trace at mag-audit,” ani Nograles.

SM food to go Banner Ad

Pero maaari pa rin aniyang gamitin ang unang sistemang ginamit ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung saan dinadala sa mga barangay ang pamimigay ng ayuda.

Subalit ang iniiwasan aniya ng gobyerno ay ang hawaan kaya gagamitin kung ano ang mas ligtas na paraan laban sa banta ng Delta variant.

Magsisimula ang ECQ sa Metro Manila sa Agosto 6 hanggang Agosto 20. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.