Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P1K pa-birthday sa PWD

0 291

Hinain ni Magdalo party-list Rep. Manuel Cabochan ang panukalang batas na magbibigay ng P1,000 tuwing kaarawan ng mga rehistradong persons with disability (PWD).

Ang House Bill No. 7907 o ‘Birthday Cash Gift (BCG) for PWDs’ ay para makatulong sa mga may kapansanan sa kanilang gastusin.

Sa nasabing House bill, kailangan na Filipino citizen ang grantee, dagdag din na dapat ay rehistrado itong botante at kasama sa tala ng Persons with Disability Affairs Office.

Ibibigay ang regalo sa mga PWD o guardian nito sa buwan ng kanyang kaarawan.

Sinuman ang mandaya at magkunwari na rehistradong PWD ay pagmumultahin ng P10,000 hanggang P20,000.

Leave A Reply

Your email address will not be published.