Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P1K social pension ng mga senior aprub

0 428

Inaprubahan na ng House committee on appropriations ang panukalang taas sa P1,000 kada buwan ang social pension ng mga senior citizen.

Pangunahing may-akda si Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate sa substitute bill na layong dagdagan ang kasalukuyang P500 buwanang social pension ng lahat ng Pilipinong senior citizen at gawin na itong P1,000.

SM food to go Banner Ad

Para kay Zarate, napakalaking bagay aniya nito lalo na ngayong may pandemya sa COVID-19 kung saan isa sa mga “vulnerable” na dapuan ng sakit ay mga senior citizen.

Malaking tulong umano ito para sa kakapiranggot na pensiyon na natatanggap ng mga senior citizen na halos hindi sapat pambili ng kanilang pagkain at gamot. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.