Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P1M bakal ng PNR hinarbat

0 50

Nawawala ang nasa P1.3 milyong halaga ng bakal na gagamitin sana sa rehabilitasyon ng riles ng Philippine National Railways (PNR) at umano ay ninakaw sa stockroom ng PNR station sa Lucena City.

Ayon sa imbestigasyon, iniulat noong Huwebes ng gabi ng Railway Police Officer na si Romero Vargas Borja Jr. ang pagkawala ng 1,015 piraso ng mga angle bar na nakatago sa DOTC Telecommunication Office na ginawang stock room ng PNR station.

Subalit lumalabas sa pagsisiyasat ng Lucena PNP na walang indikasyon na ninakaw ang mga bakal at posible umanong inside job ang nangyari o kaya ay sinadyang maling accounting.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa inventory na inilabas na inventory ng OIC Division Manager ng Lucena PNR Engineering Department na si Russel Pagkaliwanagan, ang nawawalang mga bakal ay nagkakahalaga ng nasa P1,353,329.95.

Sinusuri pa ng mga awtoridad ang mga dokumentong isinumite ni Pagkaliwanagan at iniimbestigahan kung totoo ang sinasabi nito na ninakaw ang mga bakal. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.