Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P1M ‘bato’ sinamsam sa Parañaque

0 49

Higit P1 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang babaeng drug pusher at tauhan ng Barangay Bantay Kalikasan sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Parañaque City kamakalawa ng gabi.

Unang nadakip ng mga tauhan ng Parañaque Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) si Rowena Cabellana alas-10:00 ng gabi sa kanyang bahay sa Brgy. San Antonio matapos tanggapin ang P500 markadong salapi sa pulis na nagpanggap na buyer, kapalit ng isang maliit na plastic sachet ng shabu.

SM food to go Banner Ad

Si Cabellana umano ang itinuturo sa pagbebenta ng shabu, maging sa mga karatig lungsod. Nakumpiska sa kanya ang apat na plastic sachet na naglalaman ng 151 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,026,800.00.

Samantala, dakong alas-11:30 ng gabi nang madakip din si Jolly Acosta, 36, isang Bantay Kalikasan na nakatalaga sa bahagi ng Manila Bay sa Brgy. Tambo matapos kumagat buy-bust.

Nakuha sa kanya ang may 55 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P374,000. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.