Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P1M bentahan ng shabu hinarang

0 61

Nabitag ng Manila Police District-Police station 3 ang apat na pinaghihinalaang tulak ng iligal na shabu sa buy bust operation kamakalawa ng gabi sa Sta. Cruz, Maynila.

Aabot sa may P1,056,040 ang halaga ng may 155 gramo na nakumpiska sa suspek na sina Sadam Angkad, 29, tubong Cotabato City, taga-Sampaloc Maunila; Aileen De Guzman, 33, ng Tondo; Louie Jay Paulino, 33, miyembro ng Commando Gang at taga-Sta. Cruz; at Joy Dematera, 31, ng Sta. Cruz.

Ayon kay PLt.Col John Guiagui, station commander ng MPD-PS3, alas-7:35 ng gabi nang isagawa ang drug bust sa Aurora Blvd, F. Fugoso St. sa Barangay 310, sa Sta. Cruz, Maynila.

Nakatanggap umano ng tawag sa telepono si Guiagi kaugnay sa bentahan ng shabu na ikinadakip ng dalawa sa isinagawang operasyon. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.