Abante Tonite Interactive

P1M halaga ng droga nakumpiska sa isang binata

0 328

Arestado ang isang binata at nakumpiskahan ng isang milyong pisong halaga ng shabu sa loob ng kanyang bahay matapos salakayin ng mga tauhan ng Special Weapons and Tactics (SWAT) at Special Drugs Enforcement Unit (SDEU) ng Taguig City Police linggo nang gabi sa Barangay New Lower Bicutan.

Sa pamamagitan ng search warrant, sina­lakay dakong alas-11:50 nang gabi ng mga tauhan ng SWAT at SDEU sa pangu­nguna ni P/Lt. Jesus Padua, hepe ng Police Community Precinct (PCP)-2 ang bahay ng suspek na si John Daryl Pili, 22-anyos, binata, jobless, taga-No. 40 San Diego St., Barangay New Lower, Bicutan. Nakatakas naman ang kasamahan nito na si Christian Busa, nasa hustong gulang at nakatira sa nasabing lugar.

Hindi na nakapalag ang suspek na si Pili nang pumasok ang mga pulis na bitbit ang search warrant.

Nakumpiska dito ang 53 pirasong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang isang milyong piso.

Ayon kay Police Col. Alexander Santos, hepe ng Taguig City Police, umaabot sa 18.0281 grams ng shabu na may street value na P122,591 ang halaga nito.

Bukod dito, nakakumpiska din sila ng tatlong plastic sachet ng pinatuyong marijuana sa suspek na nagkakahalagang P1,000 at mga drug paraphernalias. (Armida Rico)