Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P1M multa, bawi-lisensiya sa mga online pautang

0 28

Inihahanda na ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang bagong patakaran para sa pagrerehistro ng mga online lending platform upang matigil ang mga mapang-abusong paniningil sa mga may pagkakautang sa kanila.

Ipatutupad ang bagong patakaran sa mga financing at lending company na operational na gayundin sa mga online lending platform na magsisimula pa lamang. Kasama rin dito ang mga financial technology company na nais din magpautang.

Ayon sa panukalang mga bagong patakaran, hindi maaaring mag-operate ang financing o lending company kung hindi sila rehistrado sa SEC at kung hindi inaaprubahan ng SEC na pasukin nila ang negosyo ng pagpapautang.

Papatawan ng multa na P100,000 para sa first offense ang pinaplano ng SEC sa mga lalabag at P200,000 para sa second offense.

Sa third offense, multa na hindi lalampas ng P1 milyon ang pinaplano na maaaring sabayan ng suspensiyon o pagbawi ng lisensiya. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.