Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P1M nilimas sa mga POGO worker

0 205

Mahigit P1 milyong halaga ng pera, alahas at mga cellphone ang natangay ng mga nanloob sa bahay na inuupahan ng mga Chinese POGO worker sa Biñan City, Laguna noong Sabado ng madaling-araw.

Nagpakilala diumano ang mga suspek na mga pulis kaya malayang nakapasok sa bahay.

Ayon kay Lt. Col. Danilo Mendoza, hepe ng Biñan City Police, pinagbuksan pa ng security guard ng gate ang nasa anim na kalalakihan na dumating sa inuupahang bahay ng mga Chinese sa Silmer Subdivision, Brgy. San Francisco dakong ala-una ng madaling-araw.

Isa sa mga suspek ang nagpaiwan sa sasakyan at isa naman ang naka-uniporme, may suot pang bullet proof vest, at lahar ay armado ng maiiksi at mahabang mga baril.

Tinutukan at iginapos ng mga suspek ang sikyo at lahat ng Chinese ay tinipon sa isang lugar saka nilimas ang kanilang mga pera, alahas at cellphone. Tinangay din ng mga suspek ang baril ng sikyo.

Ayon kay Mendoza, pinagplanuhan at posibleng nag-surveillance pa ang mga suspek kung paano lolooban ang dalawang palapag na bahay na nag-iisa sa bahagi ng subdivision.

Patuloy pa ang follow-up investigation ng pulisya upang matukoy ang mga suspek. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.