Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P1M ninenok ng 3 empleyado sa kumpanya

0 81

Dinakip ng Manila Police District – Theft and Robbery Section ang tatlong empleyado matapos pagnakawan ng aabot sa P1 milyon ang pinapasukang kumpanya kamakalawa sa Tondo, Maynila.

Kinilala ni PCapt. Gerry Campo, hepe ng MPD-TRS ang suspek na sina John Anthony Matulac, 30; Joel Michael Ocampo, 30 at Kim Elemen, 30, pawang nasa sales distribution ng FFF3 sa Juan Luna St., Tondo.

SM food to go Banner Ad

Alas-10:00 ng umaga nang ipadampot ng may-ari ng kumpanya ang tatlo matapos mabuking ang `kambal’ na transaksyon na ipinasok ng mga suspek.

Modus ng tatlo ang pag-uulit sa transaksyong ipinapasok sa kumpanya at palabasin na nagbigay na sila ng pera na ibinayad sa kanila, na umabot ng milyon. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.