Abante Tonite Interactive

P1M pamumudmod sa BNTV Cup 5-Stag

300

Patuloy ang pagdami ng mga kalahok sa 2019 BNTVCup 5-Stag National Bullstag Derby na maglalatag ng dala­wang sabayan 2-bullstag eliminations ngayon sa Texas Cockpit Arena sa Antipolo City at sa San Roque Cockpit Arena sa Bulacan.

May garantisadong papremyo itong isang milyong piso o higit pa para sa maliit na entry fee na P5,500 at minimum bet na P3,300.

Tatanggapin ang mga tinale na na-band noong nakaraang taon sa 2018 BNTV Cup, mga early bird, at local at national banded bullstags, na tumitimbang mula 1.800 hanggang 2.200 kgs.

Sisiyapol ang 3-bullstag finals sa Smart Araneta Coliseum sa Abril 2, sa mga pagtataguyod ng Pagcor, Thunderbird Platinum, Bmeg Integra, Minami, Las Piñas Coliseum at LDI.

Ang iba pang 2-bullstag elims ay sa Bacolor Cockpit sa Pampanga sa Marso 22; San Nicolas Cockpit sa Ilocos Norte sa Marso. 23 at Imus Sports Arena sa Cavite sa Marso 26. (Enjel Manato)