Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P1M shabu naharang sa Pasig checkpoint

0 62

Umabot sa 200 gramo at nagkakahalaga ng P1.3 milyon ang nasabat sa 20-anyos na rider sa isang checkpoint, sa Barangay San Miguel, Pasig City, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang suspek na si Abdulbashet Hadjiomar, alyas ‘Bashet’, na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

SM food to go Banner Ad

Inaresto ang suspek sa harap nang magsagawa ng checkpoint ang mga tauhan ng Sub-Station 6 sa pangunguna ni PCpt. Medel Rafuson.

Pinara ang suspek na sakay ng Suzuki Raider motorcycle na walang plaka. Hinanapan siya ng lisensya pero nang buksan ang kanyang sling bag ay nakitang may plastic sachet kaya agad na sinita ang suspek.

Nakumpiska sa kanya ang limang piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.