Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P1M shabu nasamsam sa CamSur buy-bust

0 117

Aabot sa P1 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat sa buy-bust operation mula umano sa dalawang suspek sa Naga City, Camarines Sur, Sabado ng gabi.

Sa report na inilabas kahapon, kinilala ni Police Regional Office 5 (PRO5) spokesperson Maj. Maria Luisa Calubaquib ang mga suspek na sina Ronna Balcueva at Jacqueline Geroy, parehong 29-anyos na residente ng Barangay Calauag.

Nakabili umano ng 11 gramo ng shabu na may street value na P75,000 ang isang pulis na pekeng buyer sa nasabing barangay.

SM food to go Banner Ad

Ngunit nang kapkapan ng pulis ang mga suspek ay tumambad pa umano ang dalawang plastic sachet ng shabu: isang 125 gramo at isang 25 gramo. Sinasabing may street value ang mga ito na P1 milyon.

Banggit ni Calubaquib, nakadetine na ang mga suspek sa Police Station 3, Naga City.

Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.