Abante Tonite Interactive

P2.1M medical supply nasamsam sa mga hoarder

937

Mahigit P2.1 milyong halaga ng mga medical supply at iba pang pangunahing pangangailangan ang nasamsam sa mga isinagawang police operation laban sa mga hoarder at profiteer sa Metro Manila.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director Maj. Gen. Debold Sinas na simula Marso 17 hanggang Abril 6, nasa 29 katao na ang kanilang inaresto at walong kaso ang isinampa laban sa mga nasakote.

Kabilang sa mga produktong nasamsam sa mga police operation ay industrial mask, disposable surgical mask, alcohol at body thermometer.

Tiniyak ni Sinas sa publiko na patuloy ang kanilang monitoring at pag-aresto sa mga taong sangkot sa profiteering at hoarding ng mga medical equipment sa gitna ng health emergency dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa NCRPO chief, mayroong mga oportunista na sinasamantala ang krisis upang kumita sa iligal na paraan.

Binigyang-diin ni Sinas na malaki ang naitutulong ng mga concerned netizen para agad masakote ang mga hoarder at profitter.

Nilinaw din ni Sinas na bagama’t nasamsam ang mga nabanggit na produkto ay hindi pa maaaring gamitin ang mga ito dahil ihaharap pa bilang mga ebidensiya laban sa mga arestadong suspek. (PNA)

Tonite – Wendys Inhouse Ad